Wednesday, 23 March 2011

GROUP COMMENT REGARDING THE ARTICLE WE CHOSE.

TITLE:

SOCIO-DEMOGRAPHIC PROFILE, PERCEIVED PARENTING STYLE and SELF-CONCEPT of MULTIRACIAL INDIVIDUALS


AUTHORS:

Jeanne, Maricris, Radilyn, Elizabeth, Gladys, Maricar



PROBLEMS:

                Kulang ang mga impormante ng mga half Filipino half African, at kahit anong lahi pa. Dahil kung marami pa ang naibigay o nailagay na mga impormante dito nila malalaman ang kanilang saloobin at ano ang kanilang nararamdaman, dahil  isa sa mga itona  peding dahilan o pag-ugatan  para mag bago o maging maganda ang kanilang pakikitungo ng mga pure Filipinos sa mga half Filipino half African o kahit anong lahi pa. dahil isa lang ang nakita kong impormante na inilalabas ang kaniyang saloobin dapat nilang dagdagan upang makapukaw ng atensyon ng mga nagbabasa. Para sa akin din hindi lahat ng half-half ang ganoon ang turi ng mga pure Filipinos may roon din naman na half half na gusto ang kanilang kulay o pagiging half half, sana nag lagay sila ng positive and negative side or comment ng mga half-half, dahil parang ipinakita lang na lahat ng half-half ay kinukutya ng mga pure Filipinos, may roon din namng pure Filipinos na hinahangaan nya ang mga half-half, minsan nasasabi pa sarili n asana ganoon rin sya. Kayak o nasabi na kaialangan din ng mga positive side or comment sa half-half din para din naman maging kalakasan ng mga na aaping half-half nan hindi porket  ganoon sila ganon nalang parati ang kanilang nagiging sitwasyon.



FINDINGS:

                Ang ganda ng kanilang topic nakuha rin ang aking atensyon noong nakita ko ang salitang WHO AM I? napaka gandang salita. Maganda ang kanilang topic dahil napapatungkol ito sa economic status ng mga half-half, paano sila pinalaki ng kanilang mga magulang, ano ang pananaw nila sa sarili nila, napaka ganda kasi oo nga naman sino tayo para manghusga n gating kapwa?wala naman tayong karapatang mag husga ng kapwa tao. Satisfied rin ako sa mga nakita kong impormasyon tungkol sa mga half-half nabigla ako noong Makita ko na marami ang impormante na babae kaysa lalake, at nabigla ako na 13-19 years of old ang kanilang impormante at marami halos sa 14-16 yrs old. Nakita korin na marahil siguro na kung bakit ganoon nalang ang kanilang pananaw sa kanilang sarili dahil wala silang magulang na inuuwian dahil nakita ko sa impormasyon na nag papadala lang ng pera ang kanilang magulang sakanila kaya wala silang nakakausap na magulang para humingi ng payo o damayan lamang sila sa kanilang nararamdaman.



RECOMMENDATION:

                Dagdagan ang mga impormante at isulat rin ang kanilang nasaloob upang ma realize ng mga nagnungutya na hindi tama ang kinalang ginagawa, medyo lakihan pa ng konti ang mga letra dahil maliit ang kanilang mga letra sa mga impormasyon kung hindi ka masyado lalapit hindi mo makikita at papaano kung medyo Malabo pa ang iyong mata. Bigyan pa ng emphasize na kulay ang mga impormasyon upang makahikayat sa mga nag babasa. Dag dagan panang konting picture ang tarpoline, wag gamitin ang kulay na berde sa tarpoline dahil hindi masyadong nakikita. Para sa mga author JOB WELL DONE, napa realize nyo sa amin kung ano ang mga nasasaloob ng mga half-half, ipinakita nyorin saamin na kahit ano pa ang kulay o lahi dapat ang turi sa isat isa ay pantay-pantay lamang.

Monday, 14 March 2011

INDIVIDUAL COMMENTS REGARDING THE ARTICLES VIEWED.

SOCIO-DEMOGRAPHIC PROFILE, PERCEIVED PARENTING STYLE and SELF-CONCEPT of MULTIRACIAL INDIVIDUALS

          Napaka ganda ng kanilang nagawa dahil napapatungkol ito sa mga taong ibat iba ang lahi o dalawa ang kanilang lahi o tinatawag na “half-half”, para sa akin kulang ang mga impormanteng nailagay sa tarpaulin dahil isa lang ang nakita kong nailagay na impormante, marahil kung marami ang nailagay na impormante marami ang makukuha ang kanilang atensyon upang basahin ang mga nasasaloob ng mga kapwa Pilipino na half-half, mas lalong mauunawaan ng mga pinoy na kaialngan galangin at respetuhin kung dalawa man ang kanilang lahi. Satisfied ako sa mga nakita kong mga impormasyon tungkol sa mga half-half na pinoy, nakita ko rin doon kung paano sila pinalalaki ng kanilang magulang, kung ano ang estado ng kanilang pamumuhay. Masasabi ko sa mga gumawa ng patungkol sa mga half-half na pinoy ay “JOB WELL DONE” dahil sa pamamagitan doon marahil nabuksan ang mga kaisipan ng nakabasa na kailangan pantay pantay ang kanilang turi sa mga taong nakakasalamuha at sa mga half-half na pinoy. 

- BIN










PARENTING STYLES AND TEENAGE ROMANTIC STANDARDS

Ito ay natutungkol kung paano tayo gabayan at itratuhin ng ating mga magulang sa pang- araw araw na Gawain natin. At magmula sa pagkabata at hannggang ngayon ito na ang kinagisnn na pag asikaso nila sa atin. Alam nila ang ating mga sarili. Kahit mga lakas at kahinaan natin ay kanilang nakikita. Ang ating mga magulang ang isa sa mga tao na kung saan ating ibinabahagi ang mga nararanasan at mga nararamdaman natin. Lalo na kung ito ay patungkol sa mga lalaki para sa babae at mga babae na para sa lalaki. Mga kaibigan natin, manliligaw o mga mahal natin. Ito ang paraan kung paano natin sila mahalin at bigyan ng pag aaruga o mga simpleng bagay na kanilang ikasisiya. Sa pamamagitan nito tayo ay kanilang matuturuan kung papaano ang tamang paraan para gawin ito. At alam ko na tama sila dahil naranasan na nila ito. Isang kasiya siyang tingnan. Dahil naibahagi mo sakanila ang iyong mga karanasan. Isang malaking pasasalamat at dahil dito nagawa mu na ang iyong parte sa kanila. Isang emosyon ang nagpasaya at nagpakita. Sa ating mga pamilya, kaklase, kaibigan , mga hinahangaan at mga manliligaw sila ang nagsisilbing inspirasyon sa ating buhay at ang higit sa lahat ang nagbibibgay ng saya at sigla sa atin ay ang diyos na nandyan para sa atin.

- JEN










SOCIAL ADJUSTMENT AND FREQUENT RELOCATION F LATE ADOLESCENTS IN MILITARY FAMILIES

               Maari na magkaroon ng epekto sa pagtanda ang mga kabataang napapabilang sa mga pamilyang tinatawag na pagka overprotective sa mga anak sa kanilang paglaki., ang mga kabataang nakakaranas ng ganto ay hindi nagagawa ang mga bagay na makakapag pasaya sa kanila, ang tanging magagawa na lamang nila ay sumunod sa kanilang mga magulang upang maging isang mabuting anak. Hindi nila napapalawig ang kanilang kaalaman sa totoong buhay ng mundo kug gaano ito ka kumplikado, paano ka mabubuhay ng hindi umaasa sa ibang tao , at higit sa lahat pakiramdam paano maging isang Malaya upang makatuklas ng bagong kaalaman at mapagtanto gaano kaiba ang iyong buhay sa ibang tao , para matutunan mo paano makipag kapwa tao. At higit sa laat malaki ang ekspektasyon sakanila ng kanilang mga magulang dahil sa sapat na atensyon ang inuukol para sakanila para magkaroon ng mabuting kinabukasan. Dahil “Military Families” sila ay palipat lipat ng tirahan ayon sa destinnong lugar. Kaya walang permanenteng kaibigan at makakasama at kailangan na makapag adjust kaagad at ugali dahil kailangan mo maki bagay sa kanilang kultura at pag uugali. Ayon sa survey totoo na mabilis makapag adjust ang mga babae kumpara sa mga lalake, dahil ang mga babae ay marunong makipag kapwa tao. Ang mga magulang ay kailangan na alamin din lahat ng posibilidad na nararamdaman ng kanilang mga anak.

- NETTE




Absentee Fathers: Aggressive and Depressive Symptoms of Adolescents

                   Ang mga magulang ngayon lalo na ang mga ama ay madalas na nangingibang bansa para sa kanilang pamilya , naibibigay nga nila ang mga material na pangangailangan ng mga anak ngunit ang pinaka mahirap ay hindi nila nagagabayan ang mga ito sa kanilang paglaki. Ang iba naman ay hindi na nakilala ang kanilang ama (patay na o di talaga kilala). Ang mga batang ito ayon sa pag-aaral ay mga aggresibo sa pananalita siguro ito ay dahil na rin sa kawalan ng pagnubay ng isang ama, mahirap nga sabi nila ang walang tingalain na ama ngunit mas mahirap daw ang walang kinatatakutang ama.

- LOU



“THE HOLISTIC ADJUSTMENT AND RESLIENCY OF COLLEGE KOREAN STUDENTS IN HOLY ANGEL UNIVERSITY

Sa nakikita ko dito sa mga symbolo at pinahihwatig nila ay nagkakaisa ang mga Korean at Pilipino sa panahon na to at sa wakas ay nagging bukas tayo sakanila ibig kong sabihin hindi nas nila tayo binabaliwala sa ngayon tayong dalawa bansa ang natutulungan kung mapapansin mo.








At tayo ay ganon parin marunong tayong makisama sa kauri natin or hindi natin kauri yan ang isa sa mga pingmamalaki ko dahil hindi tayo nagmamalaki dahil bansa natin to at nakikitira lang sila dito. 

- Dennis

INTELLIGENCE

Triarchic Theory

Ang mga sumusunod ay ang mga taong may PRACTICAL na kakayahan sa aming grupo:

JEN dahil sya ay naging SK kagawad sa kanilang lugar.
BIN dahil sya ay isang pinuno sa kanilang simbahan.
MARK dahil sya naman ay may negosyo.
LU dahil sa sya ay isang working student.

Ang mga sumusunod ay ang mga taong may CREATIVE sa aming grupo:

KHAYE dahil nakagawa sya ng magandang produkto sa asignaturang YPRIMAR ( isang bag na pwedeng gawing damit)
NETTE dahil sa mahilig syang gumawa ng mga gamit sa sarili nyang disenyo.
JEAN dahil nagagawa niyang espesyal ang isang bagay na ordinary lang.


MULTIPLE INTELLIGENCE

Eto ang mga taong may MUSICAL na kakayahan sa aming grupo:
BIN dahil siya ay miyembro ng choir sa kanilang simbahan
JEN dahil mahilig siyang kumanta at dahil marunong din siya sa pagkanta at sya rin ay kasali sa choir.

Eto naman ang taong may SPATIAL na kakayahan:
NETTE dahil mahilig siyang gumuhit at nagugustuhan naman ng iba ang kanyang guhit.
JEAN dahil mahilig din siyang gumuhit at kumuha ng mga litrato.

Eto naman ang mga taong may INTERPERSONAL na kakayahan:
MARK dahil ito ay kaylangan sa kanyang negosyo at alam naman nating di magtatagal ang isang negosyo kung wala siya nito.
LU dahil sa nagagawa nyang madali ang kanyang mga gawain dahil sa tulong ng iba at sa kakayahan niyang ito.

Eto naman ang taong may INTRAPERSONAL na kakayahan:
KHAYE dahil kilalang kilala nya ang kanyang sarili at hindi sya madaling maimpluwensyahan ng iba.

Eto naman ang taong may BODY-KINESTHETIC na kakayahan:
BIN dahil siya ay may mataas na grado sa PE at siya ay miyembro ng isang grupo ng mga mananayaw sa kanilang dating eskwelahan.

Eto naman ang taong may NATURALIST na kakayahan:
NETTE dahil sya ay mahilig magtanim ng mga mapapakinabangang mga halaman.

Eto naman ang taong mayLOGICAL-MATHEMATICAL na kakayahan:
LU dahil sya ay may matataas na grado sa eskwelahan.






ADVERSITY QUOTIENT

Ang mga taong CLIMBERS sa aming grupo ay sina:

JEN dahil sa kahit na mahirap ang accounting ay nagsisipag parin sya sa pag-aaral.
BIN dahil sa kahit na di sya ganon kagaling sa mga akademikong bagay, pinipilit parin nyang tapusin ang kanyang degree.
MARK dahil hindi sya tumitingil na mag-isip ng bagong ideya para sa kanyang negosyo
LU dahil sa kabila ng stress na nakukuha nya sa pag-aaral tinutuloy parin nya ito.
NETTE dahil hindi man daw sya matalino, pinagbubutihan at pinagsisikapan parin nyang ang kanyang pag-aaral para sa kanyang mga magulang.

Ang mga taong CAMPER sa aming grupo ay sina:

KHAYE dahil siya ay maingat sa kanyang mga kilos kaya minsan ay tumitigil muna siya at nag-iisip pero hindi naman sya sumusuko.
JEAN dahil hindi siya isang “risk-taker” na tao. Pinag-iisipan niya muna ng mabuti ang mga desisyon na kanyang gagawin. At kung mabigo man siya sa una niyang plano o desisyon, titigil muna siya para makapag-isip ulit pero hindi siya sumusuko.

Tuesday, 8 March 2011

"TAGUMPAY NA NAGHIHITAY SAYO"

         Ang pag aaral ay parte ng buhay ng isang tao, Ito ay isa sa mga pangunahing kailangan natin para mabuhay sa mapaglarong mundo ng buhay. Bagamat isa ito sa pangunahing paraan para maka salamuha tayo ng mga bagong tao sa ating buhay at makabuo ng kanya kanyang samahan. Minsan nakakaranas tayo  ng nabibigatan sa ating pag aaral pero natural lamang ito para sa isang mag aaral dahil para matutunan at mapalawak pa ang ating kaalaman. Kinakailangan nating maging matiyaga at manalig sa gabay ng ating Amang nasa langit. Isa ito sa mga pagsubok na nararamdaman ng mga estudyateng nasa kolehiyo, kapag ika’y ngpadaig sa iyong kahinaan, ikaw ay magiging talunan.
         Ang “Peer Pressure” ang ayaw na ayaw maramdaman ng isang mag aaral. Ngunit papaano kung mataas ang ekspektasyon sa iyo ng iyong mga magulang ? Papaano mo ito mapanghahawakan? Masusuklian? Walang  anak na ayaw mapaligaya ang kanyang  Ama at Ina na nagbigay sa kanya ng kanyang buhay at binigay lahat ng kanyang kailangan buhat ng sya ay isilang at higit sa lahat ang pagmamahal na walang katulad.  Ang Peer Pressure ang isa sa mga bumabagabag sa akin sa aking pag aaral. Papaano kung sa kabila ng lahat ng aking pagsusumikap at pagtitiyaga ay hindi ko maibigay sa aking mga magulang ang kasiyahang gusting gusto ko na maibigay sa kanila at maipagmalaki ako. Papaano kung mabigo ako?. Mahirap mag aral kung hindi sapat ang kaalamang iyong kailangan, kung hindi ka katalino gaya ng iba, kug hindi mo kasing talino at kabilis mag isip ang nangunguna sa inyong klase.. Pagsusumikap at pagtitiyaga na lamang ang aking pinanghahawakan at higit sa lahat ang patnubay ng Dios para ako ay makatagal at samahang harapin ang aking mga pangarap, Minsan kahit pag aralan at pag ukulan mo ng maraming panahon at pansin ang mga nagpapahirap sayo, kahit hindi ka na matulog para lamang pag aralan ang iyong mga major subjects tulad ng mga Accounting subjects namin  ay hindi parin sapat ang paghihirap mo. Nakakalungkot isipin na pakiramdam mo ay nasasayang lamang ang bawat sentimo at iniipon sa iyo ng iyong mga magulang para ilaan sa iyong pag aaral at magsakripisyo para sa pansarili nilang kailangan.
       Minsan ay nasasaktan natin ang ating mga mahal sa buhay ngunit hindi ito nangangahulugan na sa bawat sakit na naibibigay natin sakanila ay hindi natin sila mahal kung hindi doble, tripling sakit ang higit na nasa ating puso. Kinakailangan nating maging matatag para sakanila at kahit kailan ay hindi tayo iiwan ng ating Dios, lalo na kung mabuti ang ating mga hangarin. Ang salita ng Dios na nagpapatatag sa akin ay ang kanyang mga katagang “Anak huwag kang manlupaypay, pagkat ako ay sumasaiyo, aking aalagaan ka at ipagsasanggalang”. Kaya abutin lamang ang iyong mga pangarap sa abot ng iyong makakaya, magtiyaga, magtiwala para sa TAGUMPAY NA NAGHIHITAY SAYO….  

Friday, 4 March 2011

"Ang apat na magkakaibigan"

         Nang ako’y napabilang na sa mundo ng kolehiyo, nakaramdam ako ng saya, tuwa, at ngiti sa bawat araw na ako’y pumapasok. Nakahanap ako ng mga bagong kaibigan na ituturing mong mga kapatid. Masaya kaming inaasam ang bawat sandali na pagiging isa nang ganap na kolehiyala. Dumarating ang mga pagkakataon na kami ay nagkwekwentuhan sa bawat isa. Nagbibigay payo para sa ikasusulong ng aming mga pangarap. At syempre ang Diyos na ating sandigan ay kaisa sa mga lakbayin naming sa buhay. Nakabuo pa nga kami ng grupo. Ito ang “J CUBE M GIRLS” Janine, Jennifer, Jewell Ann, at Myreen na naging magkakaibigan noong 1st semester.  Na kung saan apat kaming magkakaibigan na handing sumoporta sa mga problema.

         Kami ay nakaramdam ng mga pagkatakot sa aming pag-aaral. Takot kaming bumagsak sa mga napili namin na natutungkol sa aming mga akademiko. Nakaramdam ng pagod at parang paulit - ulit  na lang ang mga nangyayari sa amin. Ako ang tumayong karamay nila. Handa kong ibigay ang aking mga kakahayan na aking natutunan. Nagkaroon pa nga kami ng mga group studies. At itong bagay na ito ang lalong nagpahirap sa amin. Dahil iba’t iba ang aming mga ideya at ang iba’y di maintindihan sa iisang sitwasyon o basahin lang an gaming kursong Accountancy.

          Pagdaan ng mga ilang buwan naming pagsasamahan. Unti – unting sa amin ay umaalis, nang dahil sa kapabayaa namin sa pag-aaral, walang pangtustos sa susunod na semester at kakulangan sa oras ng bawat isa.

          Si Janine ang naging besfriend ko sa grupo. Ang nagsilbing matalik kong kaibigan. Dahil sa may takot sa Diyos, kami ay nagbago. Ngunit pagkailan ng ilang buwan, 2nd semester na. Si Janine ay hindi na nakapasok. Dahil siya ay nag shift ng kurso. Siya ay kumuha ng nursing aide sa SPI. Dumating din ang oras na si Myreen ay nagtigil sa pag-aaral sa kadahilanag problema sa pamilya at pag-ibig. Si Jewell Ann na lamang ang aking kasa kasama noong 1st year college pa ko. Sabay kaming papasok sa eskwelahan at uuwi sa bahay. Nang pumasok na ang 2nd yr. 1st semester masaya kami ni Jewell Ann kahit kami na lang. Na mi miss namin din sila. Sabay na kaming gumagawa ng mga assignments, seatworks at mga iba pang activities sa eskwelahan.

          Dumating na ang 2nd yr. 2nd semester at ako na lang ang natira. Si Jewell Ann ay pansamantalang nagtigil sa pag-aaral ng dahil sa di nakapagbayad ng buong twission fee. Naopaerahan din ang kanyang ina kaya kulang sa pangtustos sa pag-aaral. Ako’y bumibisita kay Janine kapag may oras ay madami ang aking bakanteng oras. Nagsimula na din akong maging irregular student nung 2nd year. At hanggang ngayon, irregular student pa rin na 3rd year. Kahit ganito ang sitwasyon ko pagpapatuloy ko parin ang aking pag-aaral.gusto kong matupad ang aking mga pangarap. At alam ko bibigyan ako ulit ng mga bagong kaibigan ng Diyos. Hindi ako susuko, patuloy akong lalaban hanggang sa makapagtapos akon ng pag-aaral.dahil nandiyan ang aking pamilya, kaibigan, guro at ang Diyos na lagging sumusuporta sa akin. Pagpalain pa nawa ako ng Diyos sa mga plano ko sa buhay.

"Pakikisama"

Mga situation na kailangan mong gawin ang mga bagay na di mo naman pangkaraniwang ginagawa dahil sa gusto mo lang makisama:

Cutting Class – “wag na tayong pumasok”
Kapag ayaw pumasok ng ating mga kaibigan dahil sa ayaw nya/ nila sa titser o sa subject, last subject nalang, walang pasok sa ibang subject, may pupuntahan, simpleng tinatamad lang o kaya ay may okasyon kagaya ng ManSoc, kailangan wag kang pumasok or else kaaway muna kinabukasan ang buong grupo. Learnings vs Friends, damay damay na.

Cheating- “pakopya naman”
Sa ating mga estudyante pangkaraniwan nalang minsan ang mangopya pero meron naman ang sobra kung makapangopya iyong tipong pati essay kinokopya na nya. Try mong kumontra para magalit sila sayo at marawag kang walang pakikisama. Malamang sangkaterbang parinig ang aabutin mo sa kanila lalu na kung nangongopyakarin sa ibang subject sa kanila. Honesty vs Friends.

Smoking- “tara yosi”            
Pagmagkakasama na ang mga magbabarkada ( lalu na yong mga lalaki) isa sa mga pass time nila ang pagyoyosi. Pag di ka naninigarilyo ang sasabihin nila sayo ay mas mauuna ka pang mamatay sa kanila, (Totoo nga naman dahil sa mas malaki ang epekto ng 2nd hand smoking kaysa sa mismong naninigarilyo) tapos masusundan pa yon ng try mo. Pag umayaw ka matatawag kang KJ. Health vs Friends naman tayo.

Celebration- “tagay na”
Pag ang mga kaibigan mo ay marunong uminom, well mag-aral ka na ren mapa babae kaman o lalaki  kasi maraming situation na macocorner ka at kailangan mong uminom. Gaya sa B-day, ayyy! Ang hirap tangihan pa gang may kaarawan na yong nagbigay ng baso sayo at pinapagshot ka. Ayaw mo naman sigurong mapahiya sya sa special day niya.
Health vs Friends din to.

Enemy- “wag mong pansinin/ isnabin mo”
Pangkaraniwang sa mga babae eto dahil sa pag may ayaw sila dapat ayaw din ng mga kabarkada nila kahit na valid o invalid man ang reason dapat pag kaaway siya ng grupo kaaway mo na din siya kahit di ka pa damay… Judgement vs Friends.

Place- “doon tayo”
Mapa kainan man yan o tambayan kung san yung grupo mo dapat sumama ka kahit na sobrang layo pa yan o di mo gusto ang ambiance kailangan mong sumama dahil gusto mong makisama liban nalang kung gusto mong maging alone. Convenience vs Friends naman to.

Marami pang mga nangyayari sa mga estudyante sa kolehiyo na akala nila ay pangkariwan lang pero ito ay dulot lang ng peer pressure.

“Ang aking Kaibigan”

       Ang “Peer Pressure sa mga Estudyanteng nasa Kolehiyo” ay napapatungkol sa mga estudyanteng hindi nila alam na nabubuhay sila sa mga kaibigan o nakakasama nila sa maling paraan at maling gawain, para samin dito ipanapakita kung ano ang ayaw mong mawala o natatakot ka na mawala sila. Halimbaw gusto mo na kung ano ang may roon sila kailangan mayroon karin o kaya naman kung mayaman sila kailangan astang mayaman karin kahit hindi totoo dahil natatakot kang mapag iwanan sa mga kaibigan mo o sa mga kasama mo.


       Noong ako`y patapos na nang hayskul, biglang pumasok sa aking isipan kung ano ba ang buhay bilang estudyanteng kolehiyo, sino-sino ba ang magiging bagong kaibigan ko sila ba ay mababait? O masasama? O tinatawag na “Good Influence and Bad Influence”. Ang daming pumapasok na katanungan sa aking isipan. At noong ako`y tumapak at napabilang isang estudyanteng kolehiyo lumitaw nanaman sa aking isipan kung ano at kung sino? Ano, ano ang magiging kapalaran ko bilang isang estudyanteng kolehiyo. Sino, sino ang bago kong pakikisamahan, guro at pwedi ring bagong mamahalin. Ito ang pumasok sa aking isipan marahil ganito rin ang pumasok sa iyong isipan.


       Noong dumating na ang takdang panahon na mikikita at makikilala ko na ang magiging bagong mga kaklase at kung sino ang pwedeng magiging bagong kaibigan ko. Hanggang magkagayon nakita at nakilala ko na ang mga bago kong mga kaibigan, umpisa hiya-hiya hanggang pumunta sa oras na ayaw nyo nang mag hiwa-hiwalay, una Masaya silang kasma, sabay sabay kayong pumapasok, gumagawa ng takdang aralin, sabay sabay kumakain.hanggang pumunta sap unto na ayan na gusto na nilang mag cutting classes o mag lakwatya kaylangan mong sumama dahil natatakot kang mawala sila natatakot kang matawag na “KJ” alam mong mali ang kanilang ginagawa pero kailangan mong makisama sa kanila dahil pinili mo silang maging kaibigan, lumalabas na rin na bumababa na ang mga marka mo dahil di kayo pumapasok at dahil rin hindi kayo nag aaral ng leksyon dahil gusto nila na kung ang isa hindi nag aaral nang leksyon kailangan morin na hindi mag aral ng leksyon kinakailangan mo itong gawin dahil ayaw mong matawag na walang pakikisama, pumunta narin sapunto na late kanang umuuwi sa bahay, laging napapagalitan sa magulang at bigla kang nag karoon ng masang bisyo na dati wala naman ito sayo, minsan nga sila pa ang nag uutos na lokohin mo ang isang babae at ang pangit doon ginawa mo naman dahil gusto mong matawag na totoo kang kaibigan pero pumunta sa punto na may kumausap sa akin na isa sa mga kaklase ko ang sabi nya “bakit mo lahat ginagawa yan? Alam mo bang mali na ang ginagawa mo?alam mo bang pwedi kanang ma expel sa class? At alam mo rin ba na ganyan ba ang totoong kaibigan?” ganyan ang sambit niya sa akin una nagalit ako sa kanya dahil pinagtatanggol ko ang mga pinili kong kaibigan. Pero isang gabi napag isip isipan ko lahat na oo nga ganon ba ang totoong kaibigan? Nasambit ko nga sa aking sarili na nag kamali ako sakanila, oo nga naman kung talagang tootong kaibigan sila hinding hindi nila pahihintulot ang mga ginagawa namin. At doon ko napag tanto na lilitaw na lilitaw ang totoong kaibigan. Salamat sa aking kaibigan na nagmulat sa aking mga mata sa katotohanan.