Friday, 4 March 2011

"Peers”

          Napaka-ordinaryo lang ng peer pressure sa mga kabataan ngayon. Ngunit iba rin ang epekto ng peer pressure sa mga estudyanteng nasa kolehiyo. Masasabi kong mas malala ang mga paraan nila kumpara noong panahon na nasa hayskul. Ngayon na mas nagkaroon na ng wastong pag-iisip at pag-intindi, ngayon ay mas marami silang kayang gawin. Ang peer pressure ay kapag may napagpasyahan kang gawin, hindi dahil gusto mo, kundi dahil sa mga peers mo. 
          Para sa mga nasa kolehiyo na, ang peer pressure ay maaring makabuti, at pwede ring makasama sa ibang sitwasyon. Iba’t ibang klase ng peer pressure ang kanilang pwedeng makuha tulad ng pagkakaroon ng mataas na marka sa akademiks, mapasama sa mga clubs and sports team, o kaya’y pagsali sa mga fraternity. Minsan ang iba ay gagaya pa na mag-cutting classes. Lalo na sa unibersidad kung saan ako nag-aaral ngayon. Pero ang peer pressure sa ibang sitwasyon ay pwede rin maging maganda dahil nagkakaroon ng motivation ang mga estudyante para gumawa ng mga positibong bagay. Nagagawa lang nila ang mga pangit na gawain dahil sa pressure na nararamdaman nila sa kanilang mga kasama o kaibigan. Ayaw nilang maramdaman ang pagiging outcast. Kung ano na lang ang nakikita nilang ginagawa ng karamihan ay ‘yun na rin ang gagawin nila.  
          Mga malalang bagay rin ang pwedeng maka-impluwensiya sa kanila. Tulad ng pag-gamit ng ipinagbabawal na gamut, pakikipagtalik at ang pinakamasang pwede nilang magawa ay pumatay na rin. May napanood na kasi ako sa balita sa telebisyon ng ganoon ang nangyari. Napatay ng isang estudyante ang kapwa niya estudyante ng dahil lang sa inggit sa material na gamit. Nagkaroon siya ng pressure sa estudyanteng napatay niya na maaari nating tawaging peer. Nagkaroon daw ang estudyanteng ito ng nervous breakdown dahil sa inggit nito sa kanyang kaklase. Talagang iba na ang takbo ng mundo ngayon sa mga kabataan. Lalo na kung nakakaranas sila ng peer pressure.

No comments:

Post a Comment