Friday, 4 March 2011

"Ang apat na magkakaibigan"

         Nang ako’y napabilang na sa mundo ng kolehiyo, nakaramdam ako ng saya, tuwa, at ngiti sa bawat araw na ako’y pumapasok. Nakahanap ako ng mga bagong kaibigan na ituturing mong mga kapatid. Masaya kaming inaasam ang bawat sandali na pagiging isa nang ganap na kolehiyala. Dumarating ang mga pagkakataon na kami ay nagkwekwentuhan sa bawat isa. Nagbibigay payo para sa ikasusulong ng aming mga pangarap. At syempre ang Diyos na ating sandigan ay kaisa sa mga lakbayin naming sa buhay. Nakabuo pa nga kami ng grupo. Ito ang “J CUBE M GIRLS” Janine, Jennifer, Jewell Ann, at Myreen na naging magkakaibigan noong 1st semester.  Na kung saan apat kaming magkakaibigan na handing sumoporta sa mga problema.

         Kami ay nakaramdam ng mga pagkatakot sa aming pag-aaral. Takot kaming bumagsak sa mga napili namin na natutungkol sa aming mga akademiko. Nakaramdam ng pagod at parang paulit - ulit  na lang ang mga nangyayari sa amin. Ako ang tumayong karamay nila. Handa kong ibigay ang aking mga kakahayan na aking natutunan. Nagkaroon pa nga kami ng mga group studies. At itong bagay na ito ang lalong nagpahirap sa amin. Dahil iba’t iba ang aming mga ideya at ang iba’y di maintindihan sa iisang sitwasyon o basahin lang an gaming kursong Accountancy.

          Pagdaan ng mga ilang buwan naming pagsasamahan. Unti – unting sa amin ay umaalis, nang dahil sa kapabayaa namin sa pag-aaral, walang pangtustos sa susunod na semester at kakulangan sa oras ng bawat isa.

          Si Janine ang naging besfriend ko sa grupo. Ang nagsilbing matalik kong kaibigan. Dahil sa may takot sa Diyos, kami ay nagbago. Ngunit pagkailan ng ilang buwan, 2nd semester na. Si Janine ay hindi na nakapasok. Dahil siya ay nag shift ng kurso. Siya ay kumuha ng nursing aide sa SPI. Dumating din ang oras na si Myreen ay nagtigil sa pag-aaral sa kadahilanag problema sa pamilya at pag-ibig. Si Jewell Ann na lamang ang aking kasa kasama noong 1st year college pa ko. Sabay kaming papasok sa eskwelahan at uuwi sa bahay. Nang pumasok na ang 2nd yr. 1st semester masaya kami ni Jewell Ann kahit kami na lang. Na mi miss namin din sila. Sabay na kaming gumagawa ng mga assignments, seatworks at mga iba pang activities sa eskwelahan.

          Dumating na ang 2nd yr. 2nd semester at ako na lang ang natira. Si Jewell Ann ay pansamantalang nagtigil sa pag-aaral ng dahil sa di nakapagbayad ng buong twission fee. Naopaerahan din ang kanyang ina kaya kulang sa pangtustos sa pag-aaral. Ako’y bumibisita kay Janine kapag may oras ay madami ang aking bakanteng oras. Nagsimula na din akong maging irregular student nung 2nd year. At hanggang ngayon, irregular student pa rin na 3rd year. Kahit ganito ang sitwasyon ko pagpapatuloy ko parin ang aking pag-aaral.gusto kong matupad ang aking mga pangarap. At alam ko bibigyan ako ulit ng mga bagong kaibigan ng Diyos. Hindi ako susuko, patuloy akong lalaban hanggang sa makapagtapos akon ng pag-aaral.dahil nandiyan ang aking pamilya, kaibigan, guro at ang Diyos na lagging sumusuporta sa akin. Pagpalain pa nawa ako ng Diyos sa mga plano ko sa buhay.

No comments:

Post a Comment