Tuesday, 8 March 2011

"TAGUMPAY NA NAGHIHITAY SAYO"

         Ang pag aaral ay parte ng buhay ng isang tao, Ito ay isa sa mga pangunahing kailangan natin para mabuhay sa mapaglarong mundo ng buhay. Bagamat isa ito sa pangunahing paraan para maka salamuha tayo ng mga bagong tao sa ating buhay at makabuo ng kanya kanyang samahan. Minsan nakakaranas tayo  ng nabibigatan sa ating pag aaral pero natural lamang ito para sa isang mag aaral dahil para matutunan at mapalawak pa ang ating kaalaman. Kinakailangan nating maging matiyaga at manalig sa gabay ng ating Amang nasa langit. Isa ito sa mga pagsubok na nararamdaman ng mga estudyateng nasa kolehiyo, kapag ika’y ngpadaig sa iyong kahinaan, ikaw ay magiging talunan.
         Ang “Peer Pressure” ang ayaw na ayaw maramdaman ng isang mag aaral. Ngunit papaano kung mataas ang ekspektasyon sa iyo ng iyong mga magulang ? Papaano mo ito mapanghahawakan? Masusuklian? Walang  anak na ayaw mapaligaya ang kanyang  Ama at Ina na nagbigay sa kanya ng kanyang buhay at binigay lahat ng kanyang kailangan buhat ng sya ay isilang at higit sa lahat ang pagmamahal na walang katulad.  Ang Peer Pressure ang isa sa mga bumabagabag sa akin sa aking pag aaral. Papaano kung sa kabila ng lahat ng aking pagsusumikap at pagtitiyaga ay hindi ko maibigay sa aking mga magulang ang kasiyahang gusting gusto ko na maibigay sa kanila at maipagmalaki ako. Papaano kung mabigo ako?. Mahirap mag aral kung hindi sapat ang kaalamang iyong kailangan, kung hindi ka katalino gaya ng iba, kug hindi mo kasing talino at kabilis mag isip ang nangunguna sa inyong klase.. Pagsusumikap at pagtitiyaga na lamang ang aking pinanghahawakan at higit sa lahat ang patnubay ng Dios para ako ay makatagal at samahang harapin ang aking mga pangarap, Minsan kahit pag aralan at pag ukulan mo ng maraming panahon at pansin ang mga nagpapahirap sayo, kahit hindi ka na matulog para lamang pag aralan ang iyong mga major subjects tulad ng mga Accounting subjects namin  ay hindi parin sapat ang paghihirap mo. Nakakalungkot isipin na pakiramdam mo ay nasasayang lamang ang bawat sentimo at iniipon sa iyo ng iyong mga magulang para ilaan sa iyong pag aaral at magsakripisyo para sa pansarili nilang kailangan.
       Minsan ay nasasaktan natin ang ating mga mahal sa buhay ngunit hindi ito nangangahulugan na sa bawat sakit na naibibigay natin sakanila ay hindi natin sila mahal kung hindi doble, tripling sakit ang higit na nasa ating puso. Kinakailangan nating maging matatag para sakanila at kahit kailan ay hindi tayo iiwan ng ating Dios, lalo na kung mabuti ang ating mga hangarin. Ang salita ng Dios na nagpapatatag sa akin ay ang kanyang mga katagang “Anak huwag kang manlupaypay, pagkat ako ay sumasaiyo, aking aalagaan ka at ipagsasanggalang”. Kaya abutin lamang ang iyong mga pangarap sa abot ng iyong makakaya, magtiyaga, magtiwala para sa TAGUMPAY NA NAGHIHITAY SAYO….  

No comments:

Post a Comment