Ang paggawa ng sariling desisyon ay mahirap. Ang mga taong nasa paligid mo, tulad ng mga kamag-aral mo ay tinatawag na impluwensiya. Kapag iniimpluwensiyahan ka nila kung ano ang gagawin mo o para gumawa ka, tinatawag itong pangguguyo. Halos lahat tayo ay hinaharap ito. Pag-usapan natin kung paano panghahawakan ito.
Iniimpluwensiyahan nito ang iyong buhay. Natututo ka sa mga taong nakakasama at nakakasalamuha mo, at natututo rin sila sayo. Ang pakikisalamuha o pakikisama sa mga ibang tao ay natural lamang sa atin.
Ang pakikibagay sa takbo ng sistema ng magkakaibigan ay may impluwensiyang nakakabuti at mayroon din naming nakakasama. Mas mabuting humanap ng kaibigan na matalino, masipag, malawak ang kaisipan at mabait at subukang higitan pa ang kanyang kakayahan.
Ang mga kabataan ay naguguyo dahil gusto nilang subukan ang mga hindi pa nila nasusubukan na nakikitang ginagawa ng mga iba. Ang idiya na “ang lahat ay ginagawa ito” ay nakaka-impluwensiya sa mga ito. Sinasabi ng iba na “hindi maganda ang pangguguyo ng mga kaibigan o barkada”,
pero ginagawa parin ito. Ang pagbibigay ng atensyon sa sariling paniwala at pakiramdam kung ano ang tama at mali ay makakatulong kung ano ang mas mabuting gawin. Ang pag-iisip at pagtitiwala sa sarili ay makakatulong sayo upang maging matatag at ipagpatuloy ang mga bagay na alam mong makakabuti sarili.
Ang mga magulang at mga guro ay nariyan upang bigyan ka ng payo na “piliin mabuti ang iyong mga kakaigiganin”. Ang panguguyo ng mga nakakasama ang dahilan kung bakit sinasabi nila ito. Kung pipiliin mo ang mga kaibigan na hindi gumagamit ng droga, hindi naninigarilyo, hindi nagsisinungaling sa mga magulang at hindi umaabsent sa klase, tutularan mo rin sila kahit ginagawa pa ito ng iba. Subukang tulungan ang mga iba na lutasin ang mga problema tungkol sa masamang impluwensiya. Makakabuti sa kanila na sabihin mong “kasama mo ako, tara”.
No comments:
Post a Comment