Friday, 4 March 2011

"Estudyanteng Iregyular"

            Nakakatakot isiping nasa huling yugto na kami ng aming pagaaral. Dahil naniniwala ako sa yugtong ito dapat na kaming maging responsable  at matuto kaming tumayo sa aming sariling paa.

            Itong pagiging kolehiyo ko ay masasabi kong magdadala sa akin tungo sa kaunlaran . Dahil dito makakaya kong mamuhay ng indibidual pagkat pag ka-graduate ko makakahanap na ako ng trabahong maganda at angkop sa aking kurso.

            Masasabi ko din na ang buhay kolehiyo ay hindi biro pagkat nung high school pa lamang ako iisa lang ang klaseng pinapasukan ko at pinakikisamahan. Ngayon na kolehiyo na ako ibang iba na, pagkat ang dami mong kailangan pakibagayan, ibat ibang tao ang nakakahalubilo mo. Dahil dito nakakapressure ang kolehiyo para sa isang estudyanteng irregular. 

No comments:

Post a Comment