Monday, 14 March 2011

INTELLIGENCE

Triarchic Theory

Ang mga sumusunod ay ang mga taong may PRACTICAL na kakayahan sa aming grupo:

JEN dahil sya ay naging SK kagawad sa kanilang lugar.
BIN dahil sya ay isang pinuno sa kanilang simbahan.
MARK dahil sya naman ay may negosyo.
LU dahil sa sya ay isang working student.

Ang mga sumusunod ay ang mga taong may CREATIVE sa aming grupo:

KHAYE dahil nakagawa sya ng magandang produkto sa asignaturang YPRIMAR ( isang bag na pwedeng gawing damit)
NETTE dahil sa mahilig syang gumawa ng mga gamit sa sarili nyang disenyo.
JEAN dahil nagagawa niyang espesyal ang isang bagay na ordinary lang.


MULTIPLE INTELLIGENCE

Eto ang mga taong may MUSICAL na kakayahan sa aming grupo:
BIN dahil siya ay miyembro ng choir sa kanilang simbahan
JEN dahil mahilig siyang kumanta at dahil marunong din siya sa pagkanta at sya rin ay kasali sa choir.

Eto naman ang taong may SPATIAL na kakayahan:
NETTE dahil mahilig siyang gumuhit at nagugustuhan naman ng iba ang kanyang guhit.
JEAN dahil mahilig din siyang gumuhit at kumuha ng mga litrato.

Eto naman ang mga taong may INTERPERSONAL na kakayahan:
MARK dahil ito ay kaylangan sa kanyang negosyo at alam naman nating di magtatagal ang isang negosyo kung wala siya nito.
LU dahil sa nagagawa nyang madali ang kanyang mga gawain dahil sa tulong ng iba at sa kakayahan niyang ito.

Eto naman ang taong may INTRAPERSONAL na kakayahan:
KHAYE dahil kilalang kilala nya ang kanyang sarili at hindi sya madaling maimpluwensyahan ng iba.

Eto naman ang taong may BODY-KINESTHETIC na kakayahan:
BIN dahil siya ay may mataas na grado sa PE at siya ay miyembro ng isang grupo ng mga mananayaw sa kanilang dating eskwelahan.

Eto naman ang taong may NATURALIST na kakayahan:
NETTE dahil sya ay mahilig magtanim ng mga mapapakinabangang mga halaman.

Eto naman ang taong mayLOGICAL-MATHEMATICAL na kakayahan:
LU dahil sya ay may matataas na grado sa eskwelahan.






ADVERSITY QUOTIENT

Ang mga taong CLIMBERS sa aming grupo ay sina:

JEN dahil sa kahit na mahirap ang accounting ay nagsisipag parin sya sa pag-aaral.
BIN dahil sa kahit na di sya ganon kagaling sa mga akademikong bagay, pinipilit parin nyang tapusin ang kanyang degree.
MARK dahil hindi sya tumitingil na mag-isip ng bagong ideya para sa kanyang negosyo
LU dahil sa kabila ng stress na nakukuha nya sa pag-aaral tinutuloy parin nya ito.
NETTE dahil hindi man daw sya matalino, pinagbubutihan at pinagsisikapan parin nyang ang kanyang pag-aaral para sa kanyang mga magulang.

Ang mga taong CAMPER sa aming grupo ay sina:

KHAYE dahil siya ay maingat sa kanyang mga kilos kaya minsan ay tumitigil muna siya at nag-iisip pero hindi naman sya sumusuko.
JEAN dahil hindi siya isang “risk-taker” na tao. Pinag-iisipan niya muna ng mabuti ang mga desisyon na kanyang gagawin. At kung mabigo man siya sa una niyang plano o desisyon, titigil muna siya para makapag-isip ulit pero hindi siya sumusuko.

No comments:

Post a Comment