Friday, 4 March 2011

“Ang aking Kaibigan”

       Ang “Peer Pressure sa mga Estudyanteng nasa Kolehiyo” ay napapatungkol sa mga estudyanteng hindi nila alam na nabubuhay sila sa mga kaibigan o nakakasama nila sa maling paraan at maling gawain, para samin dito ipanapakita kung ano ang ayaw mong mawala o natatakot ka na mawala sila. Halimbaw gusto mo na kung ano ang may roon sila kailangan mayroon karin o kaya naman kung mayaman sila kailangan astang mayaman karin kahit hindi totoo dahil natatakot kang mapag iwanan sa mga kaibigan mo o sa mga kasama mo.


       Noong ako`y patapos na nang hayskul, biglang pumasok sa aking isipan kung ano ba ang buhay bilang estudyanteng kolehiyo, sino-sino ba ang magiging bagong kaibigan ko sila ba ay mababait? O masasama? O tinatawag na “Good Influence and Bad Influence”. Ang daming pumapasok na katanungan sa aking isipan. At noong ako`y tumapak at napabilang isang estudyanteng kolehiyo lumitaw nanaman sa aking isipan kung ano at kung sino? Ano, ano ang magiging kapalaran ko bilang isang estudyanteng kolehiyo. Sino, sino ang bago kong pakikisamahan, guro at pwedi ring bagong mamahalin. Ito ang pumasok sa aking isipan marahil ganito rin ang pumasok sa iyong isipan.


       Noong dumating na ang takdang panahon na mikikita at makikilala ko na ang magiging bagong mga kaklase at kung sino ang pwedeng magiging bagong kaibigan ko. Hanggang magkagayon nakita at nakilala ko na ang mga bago kong mga kaibigan, umpisa hiya-hiya hanggang pumunta sa oras na ayaw nyo nang mag hiwa-hiwalay, una Masaya silang kasma, sabay sabay kayong pumapasok, gumagawa ng takdang aralin, sabay sabay kumakain.hanggang pumunta sap unto na ayan na gusto na nilang mag cutting classes o mag lakwatya kaylangan mong sumama dahil natatakot kang mawala sila natatakot kang matawag na “KJ” alam mong mali ang kanilang ginagawa pero kailangan mong makisama sa kanila dahil pinili mo silang maging kaibigan, lumalabas na rin na bumababa na ang mga marka mo dahil di kayo pumapasok at dahil rin hindi kayo nag aaral ng leksyon dahil gusto nila na kung ang isa hindi nag aaral nang leksyon kailangan morin na hindi mag aral ng leksyon kinakailangan mo itong gawin dahil ayaw mong matawag na walang pakikisama, pumunta narin sapunto na late kanang umuuwi sa bahay, laging napapagalitan sa magulang at bigla kang nag karoon ng masang bisyo na dati wala naman ito sayo, minsan nga sila pa ang nag uutos na lokohin mo ang isang babae at ang pangit doon ginawa mo naman dahil gusto mong matawag na totoo kang kaibigan pero pumunta sa punto na may kumausap sa akin na isa sa mga kaklase ko ang sabi nya “bakit mo lahat ginagawa yan? Alam mo bang mali na ang ginagawa mo?alam mo bang pwedi kanang ma expel sa class? At alam mo rin ba na ganyan ba ang totoong kaibigan?” ganyan ang sambit niya sa akin una nagalit ako sa kanya dahil pinagtatanggol ko ang mga pinili kong kaibigan. Pero isang gabi napag isip isipan ko lahat na oo nga ganon ba ang totoong kaibigan? Nasambit ko nga sa aking sarili na nag kamali ako sakanila, oo nga naman kung talagang tootong kaibigan sila hinding hindi nila pahihintulot ang mga ginagawa namin. At doon ko napag tanto na lilitaw na lilitaw ang totoong kaibigan. Salamat sa aking kaibigan na nagmulat sa aking mga mata sa katotohanan.

No comments:

Post a Comment