Mga situation na kailangan mong gawin ang mga bagay na di mo naman pangkaraniwang ginagawa dahil sa gusto mo lang makisama:
Cutting Class – “wag na tayong pumasok”
Kapag ayaw pumasok ng ating mga kaibigan dahil sa ayaw nya/ nila sa titser o sa subject, last subject nalang, walang pasok sa ibang subject, may pupuntahan, simpleng tinatamad lang o kaya ay may okasyon kagaya ng ManSoc, kailangan wag kang pumasok or else kaaway muna kinabukasan ang buong grupo. Learnings vs Friends, damay damay na.
Cheating- “pakopya naman”
Sa ating mga estudyante pangkaraniwan nalang minsan ang mangopya pero meron naman ang sobra kung makapangopya iyong tipong pati essay kinokopya na nya. Try mong kumontra para magalit sila sayo at marawag kang walang pakikisama. Malamang sangkaterbang parinig ang aabutin mo sa kanila lalu na kung nangongopyakarin sa ibang subject sa kanila. Honesty vs Friends.
Smoking- “tara yosi”
Pagmagkakasama na ang mga magbabarkada ( lalu na yong mga lalaki) isa sa mga pass time nila ang pagyoyosi. Pag di ka naninigarilyo ang sasabihin nila sayo ay mas mauuna ka pang mamatay sa kanila, (Totoo nga naman dahil sa mas malaki ang epekto ng 2nd hand smoking kaysa sa mismong naninigarilyo) tapos masusundan pa yon ng try mo. Pag umayaw ka matatawag kang KJ. Health vs Friends naman tayo.
Celebration- “tagay na”
Pag ang mga kaibigan mo ay marunong uminom, well mag-aral ka na ren mapa babae kaman o lalaki kasi maraming situation na macocorner ka at kailangan mong uminom. Gaya sa B-day, ayyy! Ang hirap tangihan pa gang may kaarawan na yong nagbigay ng baso sayo at pinapagshot ka. Ayaw mo naman sigurong mapahiya sya sa special day niya.
Health vs Friends din to.
Enemy- “wag mong pansinin/ isnabin mo”
Pangkaraniwang sa mga babae eto dahil sa pag may ayaw sila dapat ayaw din ng mga kabarkada nila kahit na valid o invalid man ang reason dapat pag kaaway siya ng grupo kaaway mo na din siya kahit di ka pa damay… Judgement vs Friends.
Place- “doon tayo”
Mapa kainan man yan o tambayan kung san yung grupo mo dapat sumama ka kahit na sobrang layo pa yan o di mo gusto ang ambiance kailangan mong sumama dahil gusto mong makisama liban nalang kung gusto mong maging alone. Convenience vs Friends naman to.
Marami pang mga nangyayari sa mga estudyante sa kolehiyo na akala nila ay pangkariwan lang pero ito ay dulot lang ng peer pressure.
No comments:
Post a Comment